Yocasoci 2012, Unti-unti na kinakasa ang mga plano, hangarin at Plano para sa darating na Paalay at Patapos. Isang Paghamon sa bawat Membro at opisyales ng samahan.
Masayang Maging Myembro ng samahan na to.. Sabi nila, tuwing Mayo lang daw nabubuhay ang mga kasapi ng samahan na to dahil tuwing mayo lang mayroon paalay para sa Mahal Na Virhen Delas Flores.
Ilang taon na ba ang samahan na to... Ayon sa mga kwento, 1914 nagsimula ang yocasoci. makatuwid malapit na magcelabrate ng 100 yrs na pinagkakaintay ng lahat.
Lahat ay kabado, pano naman ilan taon na lang mag centennial na, tapos ilan taon na rin nagplaplano ang mga Ex-pres (dating PResidenta at Presidente) ng Yocasoci di pa rin magkasundo at di makabuo ng magandang plano.
Madaming pagsubok na pinagdaanan ng bawat naging presidente at presidenta sa bawat taon ng panunungkulan.. sabi nila, pag Presidente at Presidenta ka na eto na ang moment mo.. Gawin mo ang lahat ang magagawa mo para sa ikatatagumpay ng samahan na to. eto na kasi ang graduation day mo bilang member ng Yocasoci.
Pano nga ba maging Presidente At Presidenta?
Hmm.. dumadaan sa mahirap ng proseso ang pagpili sa Presidenta at Presidente. mararadaman mo kung Oras mo na.. Pwede daanin sa botohan, minsan naman sa pamamagitan ng Pag-appoint ng Parish Priest ng Cathedral.
Sakit daw sa ulo ang maging Presidenta at Presidente, kaya nun ibang myembro pag sila ang gusto maging presidente o presidenta ay mga nag uurungan, pano ba naman, iisipin mo kung san ka kukuha ng salaping gagamitin mo sa Paggawa ng side altar, Pati ang gagastusin sa Patapos.
Marami pang issue na talagang mapapaurong ka..
pero ika ng mga naging Presidente at Presidenta, Wala naman nabigo dahil nga NANINIWALA SILA NA GINAGABAWAN SILA NG VIRHEN DELAS FLORES. walang imposible basta manalig ka lang.
in the end ng Patapos, lahat ay WAGI!!!! dahil ang tagumpay ng isa, ay tagumpay ng lahat.
panalangin namin na ganito din ang mangyari sa taon na to, ang magkaisa ang grupo sa gawaing mabuti at hangarin.
No comments:
Post a Comment