Isang buwan mahigit na lang at mag-uumpisa na ang paalay para sa taon na to n mag-uumpisa sa Mayo 1, 2012.
Last sunday lang ako nakaattend ng meeting, actually di ko alam may meeting pala kami. pano naman, iilan myembro pa lang ang active na umaattend sa meeting. Ako isa sa medyo tamad umaattend, sabi ko nga, kung kailan ako naging officer, saka pa ako tamad umattend ng meeting. Pasaway tlga, pano, conflict sa working hours ko.. buti na lang mga maunawain ang mga kasama ko sa yocasoci. Syempre, Need ko magtrabaho at madami akong ginagastusan.
Anyway, dahil nakita ko lang silang nakatambay sa kanto ng ICC, nakibalita na ako sa kanila, kung ano na ang progress, kung ano na ang gagawin namin, mga activities...konting kwento. Nakakatuwang isipin, sabi nila, "sa wakas, nadagdagan na kami", ang dating tatlo, ngaun ay apat na.
Inaantay pala nila si Fr Mark, ang ispiritual adviser namin, para magpapirma ng mga solicitation letter. ang dami, almost 50 pages, pero kulang pa raw un, kaya ang katanungan ng aming presidenta, "oi! may kilala ka ba na pwede mo bigyan ng solicitation letter?". Napanganga ako at napatingin, kaya sabi pa nya," Ganun, tanong ko, tingin lang ang sagot?" mataray nya sagot.. hahahahahah!! kaatar diba? syempre, nabigla ang lola mo. pano naman, First time ko na magsolicit, di pa sanay manghingi, kaya eto, hanggang ngaun problematic pa rin kung sinu-sino ang pwede ko hingan ng favor at tulong.
Hindi nga ako nakatulog kakaisip nito... sa office, sa mga bestfriend ko at sa jowa ko.. hmmm un ang mga naisip ko kaya eto ang ginagawa ko ngayon.
nun una, inisip ko ang signature campaign, para isang paper lang ang kailangan.. pano naisip ko din na di nga pala mayayaman un mga kasama ko sa office. karamihan pa sa kanila pamilyado.. kaya hiyang-hiya ako na manghingi sa kanila.
Kinabukasan, nagtxt ako uli sa presidenta namin.. hold muna un pinapagawa kong signature campaign, medyo malabo, maraming proccess pa akong dadaanan.. Itry ko muna kausapin ang mga close ko officemate at un mga feeling ko close kong officemate.
mayroon akong almost 25 na prospect na sana matulungan nila ako.. actually katakot kasi baka iwasan na nila ako.. dahil nanghihingi ako sa kanila ng pera, hay, wag naman sana, di naman para sa kin to, para eto sa mga gastusin ng YOcasoci, sa Buong buwan ng Paalay, at sa Patapos. Sana magtagumpay ako.. Please Pray for me...
No comments:
Post a Comment