Monday, May 21, 2012

6 days to go before the Grand Procession 2012

Monday na Monday ang init sa tanghali ay biglang nagdidilim pagsapit ng hapon. Usually na tatapat pa sa oras ng Paalay ng mga Sariwang Bulaklak at Banal Misa. Mula may 1, 2012 si ulan nagbabadya. Di mo malaman kung ito ba’y sinyales ng isang ?????? ay ayoko ng ituloy….
                Anim na araw na lang at idaraos na namin ang Grand Procession.. ito ang moment namin. Personally kinakabahan ako… gusto ko ang ulan dahil sa bayan na pinaggalingan ko… ulan ang hiling tuwing sasapit ang kapistahan ng aming patrona Santa Ana ng Taguig… Dahil dayo lang ako sa Bayan ng Pasig, hindi nila kahilingan ang umulan… sinyales daw ito ng kamalasan o parusa, kahihiyan ng isang organisasyon sa tuwing may okasyon sa nasabing bayan.
                Ok na ang lahat, may mga nakuha na kaming mga sponsor mula sa damit ng Virgen Delas Flores, sa Kanyang Karosa pati ang Main Altar na pabulaklak. Ayos na din ang mga Sagala ng binigay sa amin ng bawat subparish ng pasig naprisinta ng kanilang barangay.
                Dahil ang puso namin ay may pangamba na baka ulanin kami sa Patapos,tuwing linggo ng buwan ng mayo at nagpupunta kami sa Santa Clara. Nagsisimba, nagdarasal, at nag-aalay ng itlog para bigyan kami ng Magandang Panahon sa Mayo 27, 2012.  Isang linggo na lang ay sama-sama kami nanalangin araw-araw sa pamamagitan ni Santa Clara na tulungan nya po kami magtagumpay at bigyan ng magandang panahon sa aming Patapos sa taon na 2012.
Nawa’y sa pamamagitan ng panalangin ni Sta Clara kami ay dinggin ng langit… alang-alang kay Maria na ating Ina, Santa Clara, ipalanangin nyo po kami dumudumog sa sa’yo.

No comments:

Post a Comment